Thursday, June 18, 2009

Bukas na Salita (Job 19:230,Jer. 36:17,18)

Ang may pakinig na ipakinig ay makinig sa sinasabi ng Espirito. (Apo. 2:7,17).
Sapagkat ayon sa panukat na isususkat ikaw ay susukatin, sa isip, sa salit, at gawa,saan man ano man at kailanman.


Sa sino mang mapalad na datnin at makatunghay ng kasulatang ito ay pagsusumamo ko't bilin ay lubos na igalang ang bawat katitikang matutunghayan at basahin ng buong pagkaunawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nasa bawat isa. (Cor. 2:10-13, Rom. 1:20)


Kung sakaling masumpungan ang kakulangan.....ay nasa Diyos ang kahustuhan. Pagkat sa lahat ng pangyayari at kaganapan ay ang pag iral ng kadahilanan. Dahil sa ikaluluwalhati ng bawat kaniyang nilalang. Sabawat kaganapan ay ang katakdaan. Upang matupad ang mga nasusulat (Gaw. 4:27,28) upang ang tao ay matuto at huwag magsisihigit sa mga bagay na nasusulat (1Cor. 4:5-7, Mat. 22:29, Heb. 10:7, Exo. 32:16, Jn. 5:44-47, Jn 5:39, Isa. 34:16, Rom 15:4,2, IITim. 3:14)


Huwag hatulan ang isang Aklat sa panlabas na kaanyuan. (IITim. 4:13, Isa. 29:11,12)
Ang katagang ito ay isang malinaw at matatag na basihan at halimbawa.


Sapagkat ang isang kasulatan o Aklat ay nabubuo sa pamamagitan ng Apat na bahagdan at kalagayan.


Una, ang sumulat, ikalawa, ang ipinang sulat, ikatlo, ang pinagsulatan, at ikaapat, ang panglabas na pabalat o anyo.


Gaya ng isang tao ay nabuo sa apat na bahagdan. Espirito, Kaluluwa, Katawan at Laman. (I Tes. 5:23)


Gaya ng pagkain huwag mong sasabihing di-masarap hanggat hindi mo nalalasahan at lalong huwag mong sasabihing nakabubusog hanggat hindi mo nalulunok. (Apo. 10:8-11)


Ako'y magsasalita ng ilang salita tungkol sa mga kasulatan. At ang pagmamapuri ay malayo sa aba kong sarili; Malayo nawa sa akin at huwag masumpungan. (Job 33:2-4)


Liban sa Diyos na lumikha ng lahat. Ang kapurihan at kaluwalhatian ay sumakanya nawa mula sa kaniyang banal na dako. Ngayon at magpakailanman, kailanman siya Nawa.


Ang salitang mga kasulatan at Aklat ay may malawak at matayog na kahulugan ayon sa bawat kalagayan at uri. At sa bahagya kong pagkatanto ay aking nasumpungan na ito ay may apat na bahagdan at kalagayn at uri.


Una, ang mga kasulatang pang itaas na nangangasulat sa pamamagitan ng lantay na liwanag. Sa kalagayng Espirito o Hinga na di nakikita.


Ikalawa, ang mga kasulatang pang gitna na nangasusulat sa pamamagitan ng lantay na tunog ng kalagayang kaluluwa o Hininga na di napagkikita.


Ikatlo, ang mga kasulatang pang ibaba na nangasusulat sa pamamagitan ng lantay na salita sa kalagayang katawan o nakikita.


Ika apat, ang kasulatang pang kapatagan na nangasusulat sa pamamagitan ng lantay na titik sa kalagayng laman o Humihinga na nahayag.


Ito'y apat na bahagdan ng kasulatan na nangasusulat. At sa bawat bahagdan ay ang mga ibat ibang kalagayan ayon sa kani kaniyang uri.


Ang mga nabanggit na kataga ay katumbas halos ng salitang nasasaad sa Heb. 10:7 na wika ay...
"Akoy naparito sa balumbon ng Mga Aklat".


Sapagkat dahil sa hindi wastong pagsasaliksik ng tao sa kainiyang sarili ay marami ang nahuhulog sa salitang ito. Rom. 3:10-18.


Marahil sa di nga pagsasaliksik ng isang tao ay naliligaw sa pag unawa ng mga kasulatan.


Sapagkat maraming natatago at lihim na kinatitikan ng Banal na Pangalan at Kapangyarihan.


Kapangyarihang kung hindi masusumpungan ang wastong pang unawa at paggalaw ay ikinaliligaw (Heb. 6:3-7) at maaring ikasadlak sa isang kasalanang walang kapatawaran.


Sapagkat ay bawat pag banggit ng mga salita at ito"y nagagamit sa maling tawag ng kaalaman (Mat. 12:35-37) ay may ipagsusulit ang bumanggit o bumigkas sa di niya alam.


Kayat pasakop sa bawat kapangyarihan (Rom. 13:1)


Gaya ni Luz-ber ng siya ay nagnasa na makahigit sa kapangyarihan ng tatlong persona at Virgen. At siya ay tumiwala sa kaniyang sariling karunungang taglay ay nasadlak sa isang pagkamali at pagkahulog. (Isa. 14:12-14, Apo. 17:11)


Kung si Luz-ber na ang taglay na kapangyarihan ay sing laki ng mundo at panganay sa matatandang Espirito at mukhaang nakikipag usap sa Diyos at dating Principe ng kalangitan ay nahulog sa isang pagkakamali, gaano pa kaya tayo kaliit kung ihahambing sa kanya?


Tayo na halos mula sa alikabok lamang at di pa nakalalagos sa pagsubok ng laman na siyang pinamamahalaan ng Diablo. (Sant. 3:15)


At ang Diablo ay isang lakas at puersang di naglilikat na siyang namamahala sa bawat laman at nakikitang mga bagay.


At ang tao ay nadadaya niya sa pamamagitan ng laman. (Rom. 7:18)


Kayat habang ang tao ay nasa kadiwaan pa ng laman ay nasasailalim pa siya ng Diablo, at kung nasa ilalim ng kapamahalaan at kapangyarihan ng Diablo ang isang tao ay malaking bagay nga na maligaw niya ang tao. (2Cor. 11:14)


Kaya't ang pang unawa sa mga kasulatan ay napakahalaga pagkat bawat uri ng kasulatan ay may Principal at Punong Pangalan na kinasasaligan.


Sapagkat ang isang kasulatan ay katumbas ng isang Espirito na may Ulo, Katawan, Kamay at Paa, at buong pili ay mahahalaga ng sangkap. (1Cor. 12:14-31) kahit isang titik na katumbas ng lakas ng Visa.


Sapagkat ang Aklat ay binubuo ng ibat ibang mga salita at titik ngunit may isang punong Pangalan na siyang nagbibigay ng sapat na sustansya sa bawat bigkas ng salita upang magkaroon ng wastong paggalaw ang bawat Visa. (Mat. 8:16)


Gaya ng isang tao kung bumibigkas ng salita at nakapagpapagalaw ay di niya matiyak ang kawastuan kung papaano at alin ang tama.


Dahil sa hindi pagkakaalam ng lubos na pag papagalaw o unsod unsod at bahagdan ng pagkilos ay gumagalaw man ang kapangyarihan nabanggit ay di pa husto at walang katiyakan.


Gaya ng mga sangkap ng isang tao. Bagamat naikikilos niya ang kanyang kamay at paa kundi patnugutan ng pag iisip ay di alam ang susunod na paggalaw kung ano? Ang pag iisp ang nagbibigay ng kahustuhan ng paggalaw. (1Cor. 2:16)


At buong sustansya ang punong ministro ng buong pagkatao at ang Diyos ang Hari ng mga Hari.


Gayon ang kalagayan ng bawat kasulatan o Aklat. Samakatuwid bagay gaya ng isang tao..


Itoy may malawak at lamang talinghaga na malalim tantuin ng bawat nagsasaliksik.


Sa makatuwid ang tunay na tinutukoy ng mga balumbon o kasulatan ay ang T.A.U. (Heb. 8:10, Heb. 10:16, 2Cor. 3:3,6)


Unawain ng bumabasa ang katagang ito... Ayon sa pagkakasulat sa Bib-lia at matatagpuan sa sulat ni Juan kapitulo 21:25 at 20:30 ay nagsasaad na hindi lahat ay nasusulat sa Aklat na ito. Ngunit itoy nangasulat upang kayoy magsisampalataya.


Sa makatuwid itoy isang pagpapahayag ng kahulugan o di kahustuhan.


At gayon ang umiiral na katanungan ay Saan nangasusulat ang kahustuhan?


Kung susukatin nga ng isang nagsasaliksik sa kasulatang literal at panitikan ay masasabi nga na itoy hindi husto. At maging ang mga lihim at natatagong kasulatan ay kulang at kulang din.


Sapagkat itoy pinagbukod bukod at binahagi ayon sa nais ng Diyos na ipaabot sa bawat kaniyang nilalang na binigyan ng bawat kaloob ayon sa kanikaniyang sukat na ipinangsukat. (Isa. 28:10-14, 1Cor. 12:111)


Ngunit ang mga kakulangan ng bawat kasulatan ay siyang lalong nagpapatingkad ng salitang kadahilanan.


Upang ang bawat nagsisipagsaliksik ay dumating sa isang matinding pagsubok at matinding pagpapakasakit hanngang sa abutin niya ang sukat ng kasakdalan sa kaniyang sarili. (Efe. 4:13)
At siyay mamangha, pagkamangha na walang nakaalam kundi siya rin sa kanyang sarili ayon sa kaniyang pagtanggap.(Apo. 2:-)


At mula sa kalagayang magaspang ay unti unting pumino ang isang tao sa halos di na matitigang liwanag sanhi ng pag pino sa lahat ng bagay sa kaniya, sa isip, salita, at gawa.


Kung dumating na nga siya sa ganitong kalagayan ay matanto niya ang kakulangan ng mga kasulatan na di nangasulat sa Aklat, ang nasusulat sa kaniyang sarili at pag iisip mula pa sa buhay bata ng kaniyang ina. (1Tim. 3:15-17)


At siya ang Aklat na pinagsulatan ng wagas na mga salita at panaglan na nakalimbag sa kaniyang Espirito, Kaluluwa, at Katawan.(Gal. 6:17, Tes. 5:23)


Sapagkat ang Diyos na may akda ng mga kasulatan ay sa pagiisip at Hininga nang tao tumahan.(1Cor. 2:16-21, 2Cor. 13:5, Col. 1:27)


Sa mga katunayang nasaad sa Bib-lia at sa ibat ibang lihim na kasulatan ay may nagtatapat ng isang malinaw at matibay na saligan ng mga bagay na nakikita at di nakikita.(Heb. 11"1-3)


Tulad ng Bib-lia ay nagpapahayg nang tatlong antas ng kadiwaan at paggalaw.


Una, Pag hihimala, Ikalawa, Panggagamot, at Ikatlo ang pangangaralat ang tatlong pangunahing galaw ng pananampalataya ay binalot na salitang talinhaga.


Sa makatuwid ang talinhaga ay katumbas ng salitang laman o pang labas na Anyo ng Aklat.


At ang laman ang unang kahayagan ng pagsasaliksik. (Job. 19:26) Ngunit ito rin ang malalim na bagay ni Satanas o ng Diablo. (Apo. 2:24, Sant. 3:15)


Ang sa mga hindi nakakaalam ng aral na ito na unang baitang ay di makapaglagos sa ikalawang baitang ng pag aaral na tinatawag na katawang isip. Ni di rin namn makalalagos ang tao sa kanyang pag sasaliksik sa Ikatlong baitang na tinatawag na Kaluluwang isip. Hanggat di niya nasasakdal ang kanyang Katawang isip.


At di rin naman makalalagos ang tao sa kaniyang pag sasaliksik sa ikaapat na baitang na tinatawag na Espiritong isip hanggat di niya nasasakdal ang kaniyang Kaluluwang isip.


At lalong hindi di rin naman makalalagos ang tao sa Diyos hanngat hindi niya nasasakdal ang Espiritong isip.


Sapagkat ang Diyos ay Espirito. (Jn. 4:24, Jn. 14:17, Jn. 8"32)


Sapagkat ang laman ay hindi sakdal kung kayat ang tao gaano man ang pagsisikap ay di makaabot sa katotohanan (2Tim. 3:7) ng pag aaral. Hanggat siya ay nasa kalagayn ng lamang isip, itoy isang malinaw at matibay na saligan na ang sinoman ay di aariing ganap sa laman.(Rom. 3:20)


At ang katotohanang itoy lantad sa sinomang tao. Na ang taoy walang kasiyahan gaano man ang nasasakanya ay di siya nasisiyahan, at ang paghahangad ng Materyal at tuwina. Sapagkat ang kaniyang ginagamit na kaisipang laman lamang.


At ang tao kung sumampalataya o maniwala man sa diyos ay sadyang napakababa ng pagtanto.


Dahil nga sa kaisipang laman ay mahina, at dala ng kanyang kahinaan ay gumagamit siya ng ilusyon na tila baga Diyos ay katulad lamang ng mga bagay na nakikita kung kayat ang lagi niyang saliganat basihan ay pawang materyal na nakikita. (Rom. 1:21-25)


Lagi at tuwina'y hinahanap ng kaisipang laman ang Diyos. Sa paniniwala na ang Diyos ay Espirito.


Ngunit, sanhi nga sa di pagkakaalam ng katotohanan ay buong tigas na pinaniniwalaan na siya ay sumasampalataya na, at ang kaniyang pananampalatay ay sapat na. (2Tim. 1:7-8, Rom. 1:17-29)


Ngunit itoy naitutulad sa isang panaginip lamang. Pagkat matapos na ang tao'y magising mula sa kanyang pagkakatulog ay masumpungan niya na di tunay at pawang ilusyon lamang o bungang isip ang kaniyang paniniwala.


Sapagkat ang kanyang sinasalita ay laban sa kaniyang ginagawa. (Gal. 5:17, Rom. 8:4-13)


At ang Espirito ay laban sa laman, pagka hanggat ang tao ay nasa kaisipang laman ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng Diablo, at di nga maaring maglingkod ang isang alipin sa dalawang panginoon.


At kung ang tao ay mamatay na sa laman at masumpungan niya na siya ay di nakaabot sa katotohanan sapagkat pawang ang lahat ng kaniyang pagsasaliksik ay walang kabuluhan at bungang isip lamang. (Ecle. 3:19-21)


Dahilan nga na ang kaisipang laman ay mahina at di sakdal, ay kinakailangan nya na sumalig sa salitang Katawan isip na higit ang kasakdalan sa Kaisipang laman.


At di siya sasalig sa katawang isip ay di nya masusumpungan ang wastong pagsasaliksik.
Dahil sa unsod unsod na grado at antas ng bawat kalagayan at ibat ibang uri nang kaluwalhatian.


Ditoy malinaw na kinakailangan ang unsod unsod at baitang ng pagsasaliksik upang ang bawat Minesterio ng mga bagay at magkaroon ng kapurihan ayon sa bawat kalagayan.


Kung kayat upang siya ay makaunsod ng pag aaral ay kinakailangan na siya ay tumungtong sa salitang katawan o katawang isip. (Mat. 26:26, Jn. 1:14)


Sapagkat ang katawan ay nilalang na sakdal kaysa laman at siya ang namamatnugot sa laman. (Rom. 8:3)


Ngunit ang pangkaraniwang kalagayan ng mga taong naaabot ngunit hindi pa nakapaglalagos sa katawang isip ay sensitibo at palapunahin.


Sapagkat nais niya na ang bawat tao o bagay na nasasakaniyang sarili at kasalamuha ay perpekto at sakdal.


Ngunit di niya alintana na siya ay hindi nagpapasakop sa salitang ang pag iral ng kadahilanan.
Kayat, kahit man siya ay nakapgsasalita ng higit sa kaalaman ng kaniyang kapuwa nasusumpungan pa rin ng kanyang nakakasalumuha na siya ay kulang at di pa wasto.


At siya ay nagiging katisuran ng mga tao o nagsisimula ng pag sasaliksik. (1Tim. 4:16)


Dahil dito ay kinakailangang siyaay masalig sa salitang kaluluwa o kalagayang kaisipang kaluluwa na higit ang kasakdalan sa katawang isip. (Jn. 12:27, Eze. 18:4)


Kung umabot na ang isang tao sa kaisipang kaluluwa ay makikita sa kaniya ang pagtitiis at pagtanggap sa lahat ng pangyayari maging mabuti o masama at ang lahat ng bagay ay binibigyan niya ng kadahilanan. (Job. 2:10, Awt. 139:12)


Ang kakikiisa sa lahat ng nilalang na may buhay maging sa halaman, hayop, at kapuwa tao ay makikita sa kanyang paggalang. (Gen. 1:26)


At kung sa kalagayang ito siya ay mataas na ay nag kakapalad siya na makita at makausap ang mga Anghel ng mukhaan.(Heb. 13:1-3)


Ngunit sa kalagayang ito ay masusumpungan parin ang kakulangan. Sapagkat kahit man siya ay nakakausap ng mga anghel ay maraming bagay ang hindi niya matanto at hindi mabigyan ng wastong pag kakabukod at pag kakaiba o pagkakakilala.


Kayat nangangailangan pa rin siyang sumalig sa salitang Espirito o kalagayang Kaisipang Espirito, na higit at lubos ang kasakdalan sa kaluluwang kaisipan. (Gaw. 16:7, Jn. 4:24)


Kung ang isang tao ay umabot na sa kalagayng ito ay makikita sa kaniya ang tigas at hindi nagbabagong pananampalataya. (Sant. 5:17-18)


At di rin naman masusumpungan na natitisod sa salita. Pagkat ang bawat salita na kaniyang sinasalita ay gumagawa.


Siyay matipid sa salita ngunit mayaman sa gawa. (sant. 3:1-3)
At ang takot, inggit, at poot ay di na masusumpungan sa kaniya. Kundi ang wagas na pagibig sa kapuwa ay Diyos.


At kung sa kalagayng ito'y mataas na siya ay nagkakapalad makausap ang Diyos ng mukhaan.(1Jn. 4:12-17)


At di na siya masasakop ng kautusan at malaya na sa kasalanan. (Jn. 5:1-7)


Kung magkagayon siya ay wala ng kamatayan. Kundi buhay na walang hanggan. (Mat. 16:28)


Ito ang tunay na pagtaas ng tao. Sa unsod unsod na baitang ng pananampalataya hanggang sa abutin ang sukat ni Cristo. (Jn. 8:28, Efe. 4:13)


Kung kayat ipinahihiwatig ng Bib-lia at mga lihim at natatagong kasulatan na saliksikin ang pananampalataya ng isang tao kung itoy tunay at nasasalig sa katotohanan ng mga katotohanan. (Jn. 8:32)


Siyasatin at kilalanin ang sarili.


Ito ang una at pasimula ng pagsisiyasat. (2Cor. 13:5, 1 Cor. 11:31, Rom. 14:7, Luc. 19:42)


At ang dalawang malalim na katagang ato ay umiiral sa atin sa tuwina sa bawat nilalang saan man at kailan man.


Ano ang tao? (Heb. 1:6)
Ano ang Diyos? (Kaw. 30:4)


Bumabati:
R E I O.A.M
12/19/92

Monday, June 15, 2009

Panalangin sa Trinatatem

+SANCTAM TRINITATEM UNUM DEUM PAMPANABAL FILIUS DEUM PAUNABAL ESPIRITUM SANCTUM PACIONABAL UNUM DEUM GOVERNATUM PAMPANABAL. SAKLOLOHAN MO PO AKO NGAYON AMA! ANAK! ESPIRITO SANTO! IISANG DIOS KO ACDUO UACUWAC ACDUMDUAM ACDUDUM ACDUM AMEN.+