Sunday, August 16, 2009

Isang Pagpapatunay....





.........................................................Aug 15,araw ng sabado,napag kasunduan ng mga kasama na mag kitakita sa San Pablo Laguna sa bahay ng Ka Ultimo. Daling araw mga bandang alas tres eh akoy nag hahanda na ng aking sarili para sa pagbyehe sa nasabing kaganapan. Ang aking makakasabay patungo sa San Pablo eh ang kasamang bato balani na taga binagonan naman,napag usapan kasi namin na dito sa plaza ng morong kami magkikita tapos sabay na kaming magbyabyahe patungong tanay,andun kasi ang sakayan patungong Siniluan Laguna. Medyo nakapagkwentuhan pa kaming dalawa dun sa plaza kasi wala pang dumaraan na jeep. Nung kami naman ay nasakay na ng jeep patungong tanay eh may sumakay na tatlong babae at isang bakla na pawang galing sa night swimming. Magaganda ung babae lalo na ung isa,minsan ko lang tiningnan kasi syempre nakahihiya din at baka kung ano isipin nung tao,sinabi ko pati sa sarili ko na "tyak na sinusubok na naman ako sa pamamagitan nitong mga babae na ito" eh un nga nawaglit na sa isip ko ang kung ano anong kalokohan,,hehehe. Sa bandang tanay na bumaba yung isang babaeng maganda at kami naman ay nakarating na sa sakayan ng byaheng siniluan.Nakasakay na kami sa jeep ng Ka Bato balani at patuloy lang kami sa paghihintay ng iba pang pasahero, kulang isang oras din siguro ang pinaghintay namin dun bago umalis ang sinasakyan namin. Sa wakas napuno na din ng pasahero at nagsimula ng maglakbay ang sinasakyan namin. Napansin ko na panay panay ang tapak nung driver sa preno pero hindi tumitigil ung sasakyan. Naisip ko na baka wala pa lang kargang hangin ung HVAC nung preno kaya ganun kasi ok lang naman din sa driver. Nawaglit sa isipan ko na baka may deprensya ung sinasakyan namin. Dumaan muna ng gasolinahan yung jeep para mag karga ng kurudo muli kong napansin na panay na naman ang sayak nung driver sa preno,pinakiramdaman kong mabuti at tumitigil naman ung sasakyan. Nasa bandang Pillilia na kami ng may nakasalubong kaming jeep na mabilis din ang takbo at para yatang sumabit ung tagiliran ng sinasakyan namin kasi may lumagitik. Ayos lang naman dun sa driver kasi hindi nga tumigil at patuloy lang sa pagmamaneho.Nasa bandang taas na kami ng bundok ng akoy makaramdan ng antok,ang ginawa ko eh naikapit ko ang dalawa kong kamay sa istrido at naibayubay ko ang aking ulo para makaidlidp man lang. Ramdam ko na mabilis magpatakbo yung driver kasi humihirit ung makina ng sasakyan. Naimulat ko ang aking mata at pansin ko na natutulog din ung ibang mga pasahero. Sa gayong kalagayn eh naipikit ko ulit ang aking mata para umidlip ulit. Narating na namin ang taas ng bundok ng maayos at walang anu pa man, Nung kami ay papabulusok na sa isang baranggay ng mabitac pero nasa gawing taas pa ng bundok eh naramdaman ko na hindi na pangkaraniwan ung bilis ng sinasakyan namin. Eto na nga at nag salita na ung kalapit kong babae, aking naulinigan na nagsasabi yata na "dahan dahan lang po". Nang mapansin ko eh panay na ang tapak nung driver sa preno ngunit walang pagbagal na nagaganap. Nagsisigaw na ung kalapit ko at nagagalit na sa driver kasi may bata silang kasama mga limang taong gulang lang siguro ung dalawang bata. Sumagot ung driver ng "huwag kayong matakot", abay naiisip ko na pwede bang hindi matakot eh bangin ung maaaring baksakan nung jeep. Wala ang kaba sa dibdib ko nung panahong yaon, ang tanging nasa isip ko nuon at aking sinabi ko sa aking sarili na "Dyos ko po Kayo na po ang bahala sa amin". Hinawakan ko si Ka batobalani at nais kung ipabatid na maging handa sa anu mang susunod na pangyayari. Mahigpit ang hawak ng mga pasahero sa estribo ng sinasakyan namin at ako namat nakahawak din at ang aking mata ay nakatutok naman sa aming dinadaanan. Ang driver naman eh patuloy sa pagpipilit na maipasok ang kambyo ngunit ayaw talaga kasi ang bilis na talaga nung jeep. Muntik pang makabungguan yung isang nakasalubong naming nissan urban na kulay pula sa kadahilanan na ung sinasakyan namin eh kumakain na ng linya para lang makaliko sa mga masasagting na kurbada. May kurbadang kapag dineretso mo eh sa bangin ang bagsak at sa awa naman ng Dyos eh nalampasan namin. Natanawan ko eh paliko na alam kung hindi na kakayanin ng sasakyan kasi matindi na yung liko at mabilis pa yung jeep......Eto na yata ang katapusan namin....Sa sobrang bilis at pagpupumilit na lumiko eh tumagilid na yung jeep sa gawing kanan at gawi na aking kinauupuan, ramdam ko ang pagkiskis ng aking likod sa kalsada ng halos dalawang sigundo o higit pa. Hanggan sa mapiit na nung railing ung jeep at huminto na ng tuluyan. Dumagan sa amin ung mga nasa kabilang panig na mga pasahero,nadaganan ako ang aking binti ay naiipit nung upuan at pawang hindi ko maigalaw, "lagot nabali yata ang binti ko" ang sabi ko sa sarili ko. Tinatawag ko si Ka Batobalani nung panahon na yun upang malaman ko kung nasa maayos siyang kalagayan. Halos nakalabas ng lahat ang mga pasahero nung akoy makalabas. yung mga bata naman eh nailabas na din. Ang kaliwa kong braso ay panay dugo,humanap agad ako ng basahan na kakalat kalat sa kalsada upang punasan at aking natuklasan na hindi pala sa akin galing. Ang likod ko eh aking hinipo sa pag aakala kong may sugat at dumudugo eh pawang maliit nagalos lang aking natamurawan..Nagpasalamat ako sa taas at akoy kanilang iningatan at naiadya sa kapahamakan.
Ang Ka batobalani ay nagtamo ng maliit na sugat sa bandang ilalim na mata pero ayos lang kayang-kaya. Sa kabutihang palad eh may jeep na malapit dun sa pinangyarihan ng aksidente at naisakay agad ung may sugad at para madala agad sa hospital sa bandang pakil. Nakita ko yung isang lalaki na teenager pa lamang siguro un na malaki ang sugat sa ulo sa bandang kanan halos bumuka ung sugat ng isang pulgada at mga anim na pulgada siguro ung haba, litaw na ung bungo nung tao. pagdating sa hospital eh isa isa ng inasikaso ng mga tao duon yung mga sugatan, kami namang ayos lamang eh nagkwekwentuhan kung anong gnawa nung papataob na ung jeep. at tinulungan na rin namin ung iba para maintinde na sa hospital. May nagsabi na yung palang may tama sa ulo eh nakasabit lang kaya marahil ganun ang natamong sugat. Ang babae naman kalapit ni ka batobalani eh nagkasugat ng medyo malaki sa noo at kasalukuyang tinatahi na dun sa loob. Ang dalawang mag asawang matanda naman eh andun din,yung lalaki eh may maliit na sugat lang sa kanang kilaw at hindi naman kritikal at yung babaeng matanda naman eh nabugbog lang ang kalamnan. Naisip ko eh "baka may antingan din itong mag asawang ito."Ako naman eh may nakitang taga morong dun sa hospital at akoy tinanong kung bakit andun ako nailahad ko naman sa kanya ang nangyari. "Maige at wala kang sugat" ang sabi nya sa akin. Napangiti ako at sumagot na lang ng "syempre". at may halong pag ngiti. Natanawan ko ang mobil ng pulis na patungo sa dako ng lobby ng hospital at bumaba nga ung driver nung jeep at humihingi ng pasensya, nagsalita na sya daw ang gagastos sa lahat ng nasugatan na siya namang dapat gawin. malaki laki din tiyak ang magagastos nun sa dami ba naman ng sugatan eh. Tinanong ko yung kalapit kong babae kong may sugat eh wala naman daw, naikwento nya sa akin na sa akin daw saya kumapit nung tumagilid na ang jeep at ung bata naman nyan kasama eh hawak nya nang isang kamay. Pumasok sa isip ko na "maige at kumapit sa akin at nabiyayaan din ng proteksyon" salamat sa Panginoon ang aking sambit sa sarili. Nagpasya na kami ni Ka Batobalani na magpatuloy na sa paglalakbay patungong San Pablo ngunit pinipiit naman nung taong hospital kasi kailangan daw na maturukan ng anti-tetano eh ang liit naman nung sugat. Yung isang lalake naman eh may sugat din sa noo na kung wala syang sombrero eh malamang na hindi lang ganun ang magiging sugat nya. Nako nalimutan ko yung aking sombrero nalaglag nga pala dun sa jeep sayang naman pero ok na rin yun, pinaka kapalit na siguro yung sombrero ko. Nagtawag na ng panagalan yung nurse at binibigay ang mga reseta para makabili na ang may mga sugat. Yung driver naman eh kinukuha ang mga reseta para siya na ang bumili. Alas syete pasado na yata nung mga oras na yun. Pinilit na namin ni ka batobalani na makaalis. Tumunggo muna kami sa simbahan para magpasalamat at naikwento sa akin ni ka batobalani na dati raw eh nakapagtatambay sya dun sa lugar na yun. Pagkatapos naming makapagpasalamat eh nag patuloy na kaming maglakbay patungong San Pablo.

Tama nga ang sabi ng Ka Ultimo na huwag makalilimot magdasal sapagkat hindi mo alam kung kelan ka susubukin at kung sino ang makakalaban mo. Napakahalaga ng bawat pagdarasal natin pagkat mas lalo tayong napapalapit sa Maykapal. "Bagkos lumalalim ang iyong kaalaman,bumibigat din naman ang pagsubok mo." Papuri po sa Infinito Deus, sa Inang Birheng Makapangyarihan, sa Tatlong Personang maalam, sa Pitong Arkangheles na tagapagbantay at sa lahat ng nagkakatipon sa kaluwalhatian ng Dyos..."EXAUDIAT NOS OMNIPOTENS ET MISERICORS DOMINUS"

Thursday, June 18, 2009

Bukas na Salita (Job 19:230,Jer. 36:17,18)

Ang may pakinig na ipakinig ay makinig sa sinasabi ng Espirito. (Apo. 2:7,17).
Sapagkat ayon sa panukat na isususkat ikaw ay susukatin, sa isip, sa salit, at gawa,saan man ano man at kailanman.


Sa sino mang mapalad na datnin at makatunghay ng kasulatang ito ay pagsusumamo ko't bilin ay lubos na igalang ang bawat katitikang matutunghayan at basahin ng buong pagkaunawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nasa bawat isa. (Cor. 2:10-13, Rom. 1:20)


Kung sakaling masumpungan ang kakulangan.....ay nasa Diyos ang kahustuhan. Pagkat sa lahat ng pangyayari at kaganapan ay ang pag iral ng kadahilanan. Dahil sa ikaluluwalhati ng bawat kaniyang nilalang. Sabawat kaganapan ay ang katakdaan. Upang matupad ang mga nasusulat (Gaw. 4:27,28) upang ang tao ay matuto at huwag magsisihigit sa mga bagay na nasusulat (1Cor. 4:5-7, Mat. 22:29, Heb. 10:7, Exo. 32:16, Jn. 5:44-47, Jn 5:39, Isa. 34:16, Rom 15:4,2, IITim. 3:14)


Huwag hatulan ang isang Aklat sa panlabas na kaanyuan. (IITim. 4:13, Isa. 29:11,12)
Ang katagang ito ay isang malinaw at matatag na basihan at halimbawa.


Sapagkat ang isang kasulatan o Aklat ay nabubuo sa pamamagitan ng Apat na bahagdan at kalagayan.


Una, ang sumulat, ikalawa, ang ipinang sulat, ikatlo, ang pinagsulatan, at ikaapat, ang panglabas na pabalat o anyo.


Gaya ng isang tao ay nabuo sa apat na bahagdan. Espirito, Kaluluwa, Katawan at Laman. (I Tes. 5:23)


Gaya ng pagkain huwag mong sasabihing di-masarap hanggat hindi mo nalalasahan at lalong huwag mong sasabihing nakabubusog hanggat hindi mo nalulunok. (Apo. 10:8-11)


Ako'y magsasalita ng ilang salita tungkol sa mga kasulatan. At ang pagmamapuri ay malayo sa aba kong sarili; Malayo nawa sa akin at huwag masumpungan. (Job 33:2-4)


Liban sa Diyos na lumikha ng lahat. Ang kapurihan at kaluwalhatian ay sumakanya nawa mula sa kaniyang banal na dako. Ngayon at magpakailanman, kailanman siya Nawa.


Ang salitang mga kasulatan at Aklat ay may malawak at matayog na kahulugan ayon sa bawat kalagayan at uri. At sa bahagya kong pagkatanto ay aking nasumpungan na ito ay may apat na bahagdan at kalagayn at uri.


Una, ang mga kasulatang pang itaas na nangangasulat sa pamamagitan ng lantay na liwanag. Sa kalagayng Espirito o Hinga na di nakikita.


Ikalawa, ang mga kasulatang pang gitna na nangasusulat sa pamamagitan ng lantay na tunog ng kalagayang kaluluwa o Hininga na di napagkikita.


Ikatlo, ang mga kasulatang pang ibaba na nangasusulat sa pamamagitan ng lantay na salita sa kalagayang katawan o nakikita.


Ika apat, ang kasulatang pang kapatagan na nangasusulat sa pamamagitan ng lantay na titik sa kalagayng laman o Humihinga na nahayag.


Ito'y apat na bahagdan ng kasulatan na nangasusulat. At sa bawat bahagdan ay ang mga ibat ibang kalagayan ayon sa kani kaniyang uri.


Ang mga nabanggit na kataga ay katumbas halos ng salitang nasasaad sa Heb. 10:7 na wika ay...
"Akoy naparito sa balumbon ng Mga Aklat".


Sapagkat dahil sa hindi wastong pagsasaliksik ng tao sa kainiyang sarili ay marami ang nahuhulog sa salitang ito. Rom. 3:10-18.


Marahil sa di nga pagsasaliksik ng isang tao ay naliligaw sa pag unawa ng mga kasulatan.


Sapagkat maraming natatago at lihim na kinatitikan ng Banal na Pangalan at Kapangyarihan.


Kapangyarihang kung hindi masusumpungan ang wastong pang unawa at paggalaw ay ikinaliligaw (Heb. 6:3-7) at maaring ikasadlak sa isang kasalanang walang kapatawaran.


Sapagkat ay bawat pag banggit ng mga salita at ito"y nagagamit sa maling tawag ng kaalaman (Mat. 12:35-37) ay may ipagsusulit ang bumanggit o bumigkas sa di niya alam.


Kayat pasakop sa bawat kapangyarihan (Rom. 13:1)


Gaya ni Luz-ber ng siya ay nagnasa na makahigit sa kapangyarihan ng tatlong persona at Virgen. At siya ay tumiwala sa kaniyang sariling karunungang taglay ay nasadlak sa isang pagkamali at pagkahulog. (Isa. 14:12-14, Apo. 17:11)


Kung si Luz-ber na ang taglay na kapangyarihan ay sing laki ng mundo at panganay sa matatandang Espirito at mukhaang nakikipag usap sa Diyos at dating Principe ng kalangitan ay nahulog sa isang pagkakamali, gaano pa kaya tayo kaliit kung ihahambing sa kanya?


Tayo na halos mula sa alikabok lamang at di pa nakalalagos sa pagsubok ng laman na siyang pinamamahalaan ng Diablo. (Sant. 3:15)


At ang Diablo ay isang lakas at puersang di naglilikat na siyang namamahala sa bawat laman at nakikitang mga bagay.


At ang tao ay nadadaya niya sa pamamagitan ng laman. (Rom. 7:18)


Kayat habang ang tao ay nasa kadiwaan pa ng laman ay nasasailalim pa siya ng Diablo, at kung nasa ilalim ng kapamahalaan at kapangyarihan ng Diablo ang isang tao ay malaking bagay nga na maligaw niya ang tao. (2Cor. 11:14)


Kaya't ang pang unawa sa mga kasulatan ay napakahalaga pagkat bawat uri ng kasulatan ay may Principal at Punong Pangalan na kinasasaligan.


Sapagkat ang isang kasulatan ay katumbas ng isang Espirito na may Ulo, Katawan, Kamay at Paa, at buong pili ay mahahalaga ng sangkap. (1Cor. 12:14-31) kahit isang titik na katumbas ng lakas ng Visa.


Sapagkat ang Aklat ay binubuo ng ibat ibang mga salita at titik ngunit may isang punong Pangalan na siyang nagbibigay ng sapat na sustansya sa bawat bigkas ng salita upang magkaroon ng wastong paggalaw ang bawat Visa. (Mat. 8:16)


Gaya ng isang tao kung bumibigkas ng salita at nakapagpapagalaw ay di niya matiyak ang kawastuan kung papaano at alin ang tama.


Dahil sa hindi pagkakaalam ng lubos na pag papagalaw o unsod unsod at bahagdan ng pagkilos ay gumagalaw man ang kapangyarihan nabanggit ay di pa husto at walang katiyakan.


Gaya ng mga sangkap ng isang tao. Bagamat naikikilos niya ang kanyang kamay at paa kundi patnugutan ng pag iisip ay di alam ang susunod na paggalaw kung ano? Ang pag iisp ang nagbibigay ng kahustuhan ng paggalaw. (1Cor. 2:16)


At buong sustansya ang punong ministro ng buong pagkatao at ang Diyos ang Hari ng mga Hari.


Gayon ang kalagayan ng bawat kasulatan o Aklat. Samakatuwid bagay gaya ng isang tao..


Itoy may malawak at lamang talinghaga na malalim tantuin ng bawat nagsasaliksik.


Sa makatuwid ang tunay na tinutukoy ng mga balumbon o kasulatan ay ang T.A.U. (Heb. 8:10, Heb. 10:16, 2Cor. 3:3,6)


Unawain ng bumabasa ang katagang ito... Ayon sa pagkakasulat sa Bib-lia at matatagpuan sa sulat ni Juan kapitulo 21:25 at 20:30 ay nagsasaad na hindi lahat ay nasusulat sa Aklat na ito. Ngunit itoy nangasulat upang kayoy magsisampalataya.


Sa makatuwid itoy isang pagpapahayag ng kahulugan o di kahustuhan.


At gayon ang umiiral na katanungan ay Saan nangasusulat ang kahustuhan?


Kung susukatin nga ng isang nagsasaliksik sa kasulatang literal at panitikan ay masasabi nga na itoy hindi husto. At maging ang mga lihim at natatagong kasulatan ay kulang at kulang din.


Sapagkat itoy pinagbukod bukod at binahagi ayon sa nais ng Diyos na ipaabot sa bawat kaniyang nilalang na binigyan ng bawat kaloob ayon sa kanikaniyang sukat na ipinangsukat. (Isa. 28:10-14, 1Cor. 12:111)


Ngunit ang mga kakulangan ng bawat kasulatan ay siyang lalong nagpapatingkad ng salitang kadahilanan.


Upang ang bawat nagsisipagsaliksik ay dumating sa isang matinding pagsubok at matinding pagpapakasakit hanngang sa abutin niya ang sukat ng kasakdalan sa kaniyang sarili. (Efe. 4:13)
At siyay mamangha, pagkamangha na walang nakaalam kundi siya rin sa kanyang sarili ayon sa kaniyang pagtanggap.(Apo. 2:-)


At mula sa kalagayang magaspang ay unti unting pumino ang isang tao sa halos di na matitigang liwanag sanhi ng pag pino sa lahat ng bagay sa kaniya, sa isip, salita, at gawa.


Kung dumating na nga siya sa ganitong kalagayan ay matanto niya ang kakulangan ng mga kasulatan na di nangasulat sa Aklat, ang nasusulat sa kaniyang sarili at pag iisip mula pa sa buhay bata ng kaniyang ina. (1Tim. 3:15-17)


At siya ang Aklat na pinagsulatan ng wagas na mga salita at panaglan na nakalimbag sa kaniyang Espirito, Kaluluwa, at Katawan.(Gal. 6:17, Tes. 5:23)


Sapagkat ang Diyos na may akda ng mga kasulatan ay sa pagiisip at Hininga nang tao tumahan.(1Cor. 2:16-21, 2Cor. 13:5, Col. 1:27)


Sa mga katunayang nasaad sa Bib-lia at sa ibat ibang lihim na kasulatan ay may nagtatapat ng isang malinaw at matibay na saligan ng mga bagay na nakikita at di nakikita.(Heb. 11"1-3)


Tulad ng Bib-lia ay nagpapahayg nang tatlong antas ng kadiwaan at paggalaw.


Una, Pag hihimala, Ikalawa, Panggagamot, at Ikatlo ang pangangaralat ang tatlong pangunahing galaw ng pananampalataya ay binalot na salitang talinhaga.


Sa makatuwid ang talinhaga ay katumbas ng salitang laman o pang labas na Anyo ng Aklat.


At ang laman ang unang kahayagan ng pagsasaliksik. (Job. 19:26) Ngunit ito rin ang malalim na bagay ni Satanas o ng Diablo. (Apo. 2:24, Sant. 3:15)


Ang sa mga hindi nakakaalam ng aral na ito na unang baitang ay di makapaglagos sa ikalawang baitang ng pag aaral na tinatawag na katawang isip. Ni di rin namn makalalagos ang tao sa kanyang pag sasaliksik sa Ikatlong baitang na tinatawag na Kaluluwang isip. Hanggat di niya nasasakdal ang kanyang Katawang isip.


At di rin naman makalalagos ang tao sa kaniyang pag sasaliksik sa ikaapat na baitang na tinatawag na Espiritong isip hanggat di niya nasasakdal ang kaniyang Kaluluwang isip.


At lalong hindi di rin naman makalalagos ang tao sa Diyos hanngat hindi niya nasasakdal ang Espiritong isip.


Sapagkat ang Diyos ay Espirito. (Jn. 4:24, Jn. 14:17, Jn. 8"32)


Sapagkat ang laman ay hindi sakdal kung kayat ang tao gaano man ang pagsisikap ay di makaabot sa katotohanan (2Tim. 3:7) ng pag aaral. Hanggat siya ay nasa kalagayn ng lamang isip, itoy isang malinaw at matibay na saligan na ang sinoman ay di aariing ganap sa laman.(Rom. 3:20)


At ang katotohanang itoy lantad sa sinomang tao. Na ang taoy walang kasiyahan gaano man ang nasasakanya ay di siya nasisiyahan, at ang paghahangad ng Materyal at tuwina. Sapagkat ang kaniyang ginagamit na kaisipang laman lamang.


At ang tao kung sumampalataya o maniwala man sa diyos ay sadyang napakababa ng pagtanto.


Dahil nga sa kaisipang laman ay mahina, at dala ng kanyang kahinaan ay gumagamit siya ng ilusyon na tila baga Diyos ay katulad lamang ng mga bagay na nakikita kung kayat ang lagi niyang saliganat basihan ay pawang materyal na nakikita. (Rom. 1:21-25)


Lagi at tuwina'y hinahanap ng kaisipang laman ang Diyos. Sa paniniwala na ang Diyos ay Espirito.


Ngunit, sanhi nga sa di pagkakaalam ng katotohanan ay buong tigas na pinaniniwalaan na siya ay sumasampalataya na, at ang kaniyang pananampalatay ay sapat na. (2Tim. 1:7-8, Rom. 1:17-29)


Ngunit itoy naitutulad sa isang panaginip lamang. Pagkat matapos na ang tao'y magising mula sa kanyang pagkakatulog ay masumpungan niya na di tunay at pawang ilusyon lamang o bungang isip ang kaniyang paniniwala.


Sapagkat ang kanyang sinasalita ay laban sa kaniyang ginagawa. (Gal. 5:17, Rom. 8:4-13)


At ang Espirito ay laban sa laman, pagka hanggat ang tao ay nasa kaisipang laman ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng Diablo, at di nga maaring maglingkod ang isang alipin sa dalawang panginoon.


At kung ang tao ay mamatay na sa laman at masumpungan niya na siya ay di nakaabot sa katotohanan sapagkat pawang ang lahat ng kaniyang pagsasaliksik ay walang kabuluhan at bungang isip lamang. (Ecle. 3:19-21)


Dahilan nga na ang kaisipang laman ay mahina at di sakdal, ay kinakailangan nya na sumalig sa salitang Katawan isip na higit ang kasakdalan sa Kaisipang laman.


At di siya sasalig sa katawang isip ay di nya masusumpungan ang wastong pagsasaliksik.
Dahil sa unsod unsod na grado at antas ng bawat kalagayan at ibat ibang uri nang kaluwalhatian.


Ditoy malinaw na kinakailangan ang unsod unsod at baitang ng pagsasaliksik upang ang bawat Minesterio ng mga bagay at magkaroon ng kapurihan ayon sa bawat kalagayan.


Kung kayat upang siya ay makaunsod ng pag aaral ay kinakailangan na siya ay tumungtong sa salitang katawan o katawang isip. (Mat. 26:26, Jn. 1:14)


Sapagkat ang katawan ay nilalang na sakdal kaysa laman at siya ang namamatnugot sa laman. (Rom. 8:3)


Ngunit ang pangkaraniwang kalagayan ng mga taong naaabot ngunit hindi pa nakapaglalagos sa katawang isip ay sensitibo at palapunahin.


Sapagkat nais niya na ang bawat tao o bagay na nasasakaniyang sarili at kasalamuha ay perpekto at sakdal.


Ngunit di niya alintana na siya ay hindi nagpapasakop sa salitang ang pag iral ng kadahilanan.
Kayat, kahit man siya ay nakapgsasalita ng higit sa kaalaman ng kaniyang kapuwa nasusumpungan pa rin ng kanyang nakakasalumuha na siya ay kulang at di pa wasto.


At siya ay nagiging katisuran ng mga tao o nagsisimula ng pag sasaliksik. (1Tim. 4:16)


Dahil dito ay kinakailangang siyaay masalig sa salitang kaluluwa o kalagayang kaisipang kaluluwa na higit ang kasakdalan sa katawang isip. (Jn. 12:27, Eze. 18:4)


Kung umabot na ang isang tao sa kaisipang kaluluwa ay makikita sa kaniya ang pagtitiis at pagtanggap sa lahat ng pangyayari maging mabuti o masama at ang lahat ng bagay ay binibigyan niya ng kadahilanan. (Job. 2:10, Awt. 139:12)


Ang kakikiisa sa lahat ng nilalang na may buhay maging sa halaman, hayop, at kapuwa tao ay makikita sa kanyang paggalang. (Gen. 1:26)


At kung sa kalagayang ito siya ay mataas na ay nag kakapalad siya na makita at makausap ang mga Anghel ng mukhaan.(Heb. 13:1-3)


Ngunit sa kalagayang ito ay masusumpungan parin ang kakulangan. Sapagkat kahit man siya ay nakakausap ng mga anghel ay maraming bagay ang hindi niya matanto at hindi mabigyan ng wastong pag kakabukod at pag kakaiba o pagkakakilala.


Kayat nangangailangan pa rin siyang sumalig sa salitang Espirito o kalagayang Kaisipang Espirito, na higit at lubos ang kasakdalan sa kaluluwang kaisipan. (Gaw. 16:7, Jn. 4:24)


Kung ang isang tao ay umabot na sa kalagayng ito ay makikita sa kaniya ang tigas at hindi nagbabagong pananampalataya. (Sant. 5:17-18)


At di rin naman masusumpungan na natitisod sa salita. Pagkat ang bawat salita na kaniyang sinasalita ay gumagawa.


Siyay matipid sa salita ngunit mayaman sa gawa. (sant. 3:1-3)
At ang takot, inggit, at poot ay di na masusumpungan sa kaniya. Kundi ang wagas na pagibig sa kapuwa ay Diyos.


At kung sa kalagayng ito'y mataas na siya ay nagkakapalad makausap ang Diyos ng mukhaan.(1Jn. 4:12-17)


At di na siya masasakop ng kautusan at malaya na sa kasalanan. (Jn. 5:1-7)


Kung magkagayon siya ay wala ng kamatayan. Kundi buhay na walang hanggan. (Mat. 16:28)


Ito ang tunay na pagtaas ng tao. Sa unsod unsod na baitang ng pananampalataya hanggang sa abutin ang sukat ni Cristo. (Jn. 8:28, Efe. 4:13)


Kung kayat ipinahihiwatig ng Bib-lia at mga lihim at natatagong kasulatan na saliksikin ang pananampalataya ng isang tao kung itoy tunay at nasasalig sa katotohanan ng mga katotohanan. (Jn. 8:32)


Siyasatin at kilalanin ang sarili.


Ito ang una at pasimula ng pagsisiyasat. (2Cor. 13:5, 1 Cor. 11:31, Rom. 14:7, Luc. 19:42)


At ang dalawang malalim na katagang ato ay umiiral sa atin sa tuwina sa bawat nilalang saan man at kailan man.


Ano ang tao? (Heb. 1:6)
Ano ang Diyos? (Kaw. 30:4)


Bumabati:
R E I O.A.M
12/19/92

Monday, June 15, 2009

Panalangin sa Trinatatem

+SANCTAM TRINITATEM UNUM DEUM PAMPANABAL FILIUS DEUM PAUNABAL ESPIRITUM SANCTUM PACIONABAL UNUM DEUM GOVERNATUM PAMPANABAL. SAKLOLOHAN MO PO AKO NGAYON AMA! ANAK! ESPIRITO SANTO! IISANG DIOS KO ACDUO UACUWAC ACDUMDUAM ACDUDUM ACDUM AMEN.+

Wednesday, April 15, 2009

Ang Barkada, Linggo ng Pagkabuhay





Kami po nung pasko ng pagkabuhay,,may mga hang over pa po kami kaya mga ganyan po ang hitsura namin,,hehehe

Close up ni San Andres





Tingnan naman ninyo matangos ang ilong ng Poon namin,,,un nga lang hindi kami nagmana,,hehehehe

Si San Andres at Ako....magkabarkada lang.





Yan eto po at kami ay magkabarkada lamang..

Ang Pagkabuhay





Nangusap si Magdalena
maginoo po aniya
kung ikaw po ang kumuha
sa Poon ko't aking sinta
sa akin po'y ipakita.


Sagot ni Hesus ay ito:
Maria ako ay tingnan mo
ako ang hinahanap mo,
dito na nga napagsino
ang Poong Hesukristo.

Santo Intierro





Halos di ibig bitiwan
ng Inang may hapis lumbay
ang sa Anak niyang bangkay
ninonoynoy nininilay
yaong madlang kahirapan.


Laking sakit hirap baga
nang Inang nangungulila
binunto-buntong hininga,
at gayon din ang dalawa
si Huan at Magdalena.

Ang pagdating ng Mahal na Birhen kasama ang mga babae ng Galilea





Laking sakit laking dusa
nang Inang nangungulila
kaya nga't nagsisama
ang mga babaing iba
na nagmula sa Galilea.


Nang dumating sa Kalbayo
itong Inang nanglulumo
ang Anak niyang si Kristo
napako ng totoo
doon sa Sakromadero.

Ang Paghuhubad ng mga Hudyo sa ating Poong Hesukristo





Ay ano'y dumating na
ang mananakop sa sala
sa lupa nilang talaga,
hinubaran kapagdaka
niyong mga palamara.


At dito ng sa paghubad
niyong damit ng mesias
ay nabaguhan ng antak,
sa di kawasang hirap
sa pagpaknit nga sa sugat.

Ang pagpapahid ni Veronika sa mukha ng Poong Hesukristo





Kapagkaraka'y ugali
ni Veronikang may budhi
niyong bata pa mang munti,
at kung may paawa ngani
lilimusang dali-dali.


Di nabata't natiis
naawa siya't nahapis
na makita at masilip,
ang mukhang tigib ng sakit
ng dugo at madlang pawis.


Ipinahid kapagdaka
birang niyang dala-dala
loob ay kakaba-kaba,
bubunto-buntong hininga
hapis na walang kapara.

Jesus Nazareno





Laking hirap, laking sakit
pagod na hindi maisip
ang katawa'y nanginginig
nagsipangurong ang litid
nitong Diyos na marikit.


Walang maipahid naman
sa mukhang nadidiliman
anong laking kahirapan
ang puspos sa kayamanan
walang mapulong basahan.

ang pagkasalubong ni Jesus at ang mga Kababaihan





Doon naman sa lansangan
may nakita siyang ilan
babaing luha-luhaan,
na pawang nangalulumbay
siya ang tinatangisan.


Di nabata't nangusap din
si Hesus na poon natin
ay aniya mga giliw
sa puso ninyo itanim
yaring hirap na narating.


Bagkus ang tangisan ninyo
anak sampung mga apo
ang hirap na tiniis ko,
may oras na paparito
sasabihin ko sa inyo.

Pagkikita ng Mag-Ina





Oh bunsong minamahal ko
maganda kong bagong tao!
anong salang nagawa mo,
at ikaw ay ginaganito?
di ko mabatang totoo.


Iyang Krus na iyong pasan
bunso ay iyong bitawan
at kita ay hahalinhan
ako kaya'y mabubuhay
sa lagay mo ngang iyan.


Akuin kong lahat na
ako ang papapatay na
Poon ko't ng mabuhay ka!
ano pang aking halaga
kung ikaw ay di na makita?

Ang Pagkakadapa





Sa kabigatan ng Krus
na pinapasan ni Hesus
ay agad napasubasob,
sa lupa't mga alabok
ang mukhang kalunos-lunos.


Kung itindig niya naman
nanginginig ang katawan
at halos di makayanan,
sa di kawasa'y napagal
tumaha't nagtanaw-tanaw.

Pag pasan sa mahal na Krus





Ang totoong kahabaan
niyong Krus na pinasan,
labing-limang talampakan,
at pito naman ang bilang
nang paripa at pahalang.


Krus na yao'y mabigat
labis na nagkakaapat
lumulubog sa balikat,
at lalo pang nakaragdag
ang sala ng taong lahat.

Pagtanggap ng mahal na Krus





Sa kaniya'y ipapasan
Krus na kamamatayn
ipagtawag habang daan
tuloy namang ipagitan
sa dalawang magnanakaw.

Pagpapakumbaba





At kanilang pinaupo
sa isang hamak na bangko
inooroy, binibiro,
ano pa't sinisiphayo
itong Korderong maamo.


At kanilang pinagtangan
ng isang tuyong kawayan
ang ulo ay pinutungan
nang tinik na likaw-likaw
kunwa ay hari-harian.


Saka yaong mga lilo
tatanong kay Hesukristo
pinapanghula rito,
sa kanila'y sino-sino
ang nagsipukpok sa ulo.

Paghampas






Iginapos na si Kristo
sa isang haliging bato
hinampas na walang toto
mahigpit na limang lido
na tagos hanngang sa buto.

At dito na natupad
yaong hulang naisulat
nang propetng si Isaias,
sa daratnang mga hirap
nang pariritong Mesias.

Paghahatol





Malaki ang alang-alang
ni Pilatong punong bayan
ang loob ay salawahan,
di niya ibig hatulan
itong Korderong maalam.

Sa Harap ng Senadrin




Inisip at siniyasat
yaong sumbong sa Mesias
kaya nga't ang mga uslak
nagpisan sa isang salas
na Senadrin ang pamagat.

Ng maganap na ngang pawa
doon yaong masasama
ay agad iniharap nga,
kay Kaipas na kuhila
ang Poong kaawa-awa.




Halos di pa natatapos
ang pangungusap ni Hesus
dumating na ngang tibobos,
ang darakip na soldados,
eskribas at pariseos.

Heto na nga ang lahat na,
si Hudas ang nangunguna,
tampalasa't palamara,
humangos pagkakita
sa Maestro't Poong Ama.

Pananalangin





Doo'y ang Poong si Kristo
nangusap sa disipulo:
kayo, aniya'y dumito,
at mananalangin ako
sa Diyos, Haring totoo.

Tatlo ang ipinagsama
na siyang pinili niya,
si Pedro ang una una,
si Diego ang ikalawa
at si Huan Ebanghilista.

Pumasok at nagtuluyan
sa loob ng halamanan,
wertong panalanginan,
doon nga'y naggunamgunam
tigib kadalamhatian.

Paghuhugas na Paa





Dinulog na kapagdaka,
si Pedrong katoto nya
at huhugasang talaga,
gayong gawa'y nang makita
ni Pedro'y nagitla.

Ano pa nga't natilihan
loob ni Pedrong timtiman
luha sa mata ay nukal;
kapag daka ay nagsaysay,
ito ang syang turan.

"DOMINE TU MIHI LAVAS PEDES?"




Si Jesus at ang mga kababaihan nakasama nya sa panahon ng kanyang pamamalagi sa lupa.....Ang mga picture pong ito ay naganap nung sabado bago ang domingo de ramos,, Kapanahunan po ng kinaugaliang Pabasang Bayan..

Ang Morong sa Panahon ng Mahal na Araw





Ang mga apostoles kasama ang panginoon Jesukristo,, ang pagkaka ayos ng poon ay ayon sa panahon ng pangangalap ng panginoon ng mga alagad..

Ang Pagtatapos ng Aking Paglalakbay





Nung kami'y naka uwi na mula sa bundok ay syempre bilang alaala ng San Pablo City ay aking kinunan ang kanilang kalsada...
Ako ay nakararating sa lugar na ito sa tulong at kabutihang loob ng Ka Ultimo at ng kanyang pamilya,kay kasamang Vincent na naging mabuti sa akin,kay ka Jhun na nag bigay sa akin ng kanyang isang kagamitan. Taos puso po ang pasasalamat ko sa kanila at natupad ko ang isa sa pinapangarap ko. Napakabuti sa akin ng Ka Ultimo at walang anu pa man niya akung pinatuloy sa kanyang tahanan. Marami akung natutunan sa sandali kong pagdayo sa kanilang balwarte. Ang mga katuruan ipinag katiwala sa akin ng ka Ultimo ay lubos kong iingatan at tataglayin sa habang buhay kong ito.....Maraming salamat po Ka Ultimo,,




Pag katapos po ng aming paglalakbay ay syempre kailangan pa ring magrelax only.Ako na naman po,,hehehehe si kasamang vincent po ang nasa aking likuran,ang picture pong ito ay aking kinunan sa bahay ng kasamang Sonny iyong tinutukoy ng ka Ultimo na mag uukit na kakilala niya,dito sya madalas nagpapaukit ng magagandang kagamitan tulad po ng kanyang naibigay sa akin.




Yan eto po ang inyong lingkod,kuha sa Bukal ng Inang Santisima,,talaga namang napakalamig ng tubig sa lugar na ito pero kahit ganun na sobra ang lamig ng tubig ay hindi ka magkakasakit mas mararamdaman mo pa ng kaginhawahan sa katawan.. sana may ganito din sa morong,,hehehe




Kay gandang pagmasadan ng mga luntiang dahon at mga lumot sa mga bato sa lugar na ito,,madarama mo talaga ang kapayapaan sa bundok na ito,,ang malamig na hangin ay dama mo sa iyong pag hinga,,Dito sa bundok na ito iyong masusumpungan ang ganap na kapahingahan.




Sa pag hahanap ko ng magandang anggulo na kukunan ng litrato ay nakaagaw pansin sa akin ang isang mahiwagang tao na ito at parang may nagtulak sa akin na kunan sya ng larawan,,sino kaya ang mahiwagang tao na ito??




Sa bawat lugar na aming pinuntahan eh mahalaga ang pagtitirik o ang pag aalay ng kandilang may sindi.. ang kandila ay nagsisilbing tanglaw sa ating pagdarasal kaya ganun na lamang ang kahalagahan nito..




hindi ko matandaan kung anung name ng kweba na ito,,pero mahiwaga ang lugar na ito. Ang picture na ito ay kuha ng Ka Ultimo kasi nung ako ang mag cacapture eh nag system error agad ang cp ko kaya sa kanya ko na binigay ang cp ko,,,,mahiwaga nga po talaga ang lugar na ito..




Pagkatapos kung lumublob sa napakalamig na tubig ng kweba ay syempre naman ang pag aalay ng panalangin naman ang dapat ganapan,,syempre kasama ko pa rin sa loob ang Ka Ultimo at baka kapag akoy mag isa lamang eh akoy matakot,,hehehe




Ito po ang kweba ng ni Santong Jacob,,kita naman po ninyo na walang malaking daan papasok sa ilalim,,para makapasok sa loob eh dapat humingi muna ng pahintulot tapos un umpisa na ng pag gapang..




ang Ka Ultimo at Ka vincent ay nasa loob na,,syempre sa huli ako at baka may kung ano eh,,hehehe




Si Kasamang Vincent ay pumapanaog sa loob ng kweba..Hindi ko maalala pangalan nitong yungib na ito,,sa aking pagkakaunawa aydito muna magpapakilala ang sino mang aahon sa bundok..

ang malaking trespiko






Ito ang unang ahon ko sa banahaw kasama si Ka Ultimo at Vincent,ang trianggulong ito ay gabay sa mga aahon kung saan sila tutungo..