Tuesday, January 26, 2010

Ang Diyos ay Salita

ANG DYOS AY SALITA

Nang pasimula ang Dyos ay Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos. Ito rin ang pasimula’y sumasa Ditos.

Ang lahay ng bagay ay ginawa sa pamamagitan ng Salita; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala ang Salita

Nasa Salita ang buhay, at ang buhay ang siyang ilaw ng mga tao.

Ang Salita ay nagmula sa mga TTIK, at ang titk ay nagmula sa isang TULDOK.

Ang mga titik na A, E, I, O, U, ay tinatawag na patinig; at ang mag titik na B, C, D, F, G, H, L, M, N, P, Q, R, S, T, V, W, Z, ay tinawag na katinig.

Tungkol sa mga nasabing titik ang sabi ng Diyos ay ganito: “EGO SUM PRINCIPIUM, EGO SUM VERBUM A-E-I-O-U. Ang limang titik na ito ay akin at ako.

Ang titik na A, ay kapangyarihan kong walang hanggan. Ito ang susi at ito’y ako: AM MABUCAM UMALEY HICSARAC SPIRITO DEUS;

Ang titik na E, ay siyang pinagbuhatan ng lahay kong kapangyarihan. Ito ang katawan ko at katawan ninyong Tatlo: EVAE EMAE ELOIM LAMUROC MILAM EGO TAC ESBATAC SPIRITO DEUS;

Ang titik ma I, ay kapangyarihan ninyong Tatlo. Ito ang ilalagay ko sa palad ng Birheng Anak ko: ITATEM ORAPCIP URCOP IRESUMAD IREMORIM IREMORUMRUM LUMARAT LAUM AMPEC MIBEL GAYIM JESUS;

Ang titik na O, ay siyang nagtatangan ng buong kapangyarihan ko. Ito ang ESPIRITO na nagdadala sa akin sa lahat ng dako: OC CELIAM SPIRITO OC MAIM PACIS;

Ang titik na U, ay syang buklod ng lahat kong kapangyarihan at karunungan. Ito ang kaban ng Birheng Anak ko, at susi nito ay aking pangalan: URCAMITAM SAEM AC LUMARAT LAUM MITIM SAT TAT MAT;

Ang dalawang titik na M-D ay ang aking bibig na siyang binukalan ng lahat ng titik, salita’t pangalan;

At ang titik na X, ay ang KRUX na nag niningning sa kaitaasan, at sa KRUS na ito pinagtibay ang aming sumpaan at kapangyarihan.”

Ganyan ang wika ng Diyos ukol sa mga nasabing titik.

Sa ibang mga kasulatan ay ganito ang ibinigay na kahulugan sa mga titik na sumusunod:

A. B. C. D. E.

ABDIO BABDA CIBAG DENAG EIOVA

A. E. I. O. U.

ADO EGO IBI OMO UPSIO

A. E. I. O. U.

AMILIM EITANI ILATAC OIMATI UMILIM

A. E. I. O. U.

AMAGOB EARIPO IGIHIC OUPIRA UBUCAM

A. E. I. O. U.

ABDARAM ENAMULAM INCURESEM OCCELITAM UNIVERSUM

A. E. I. O. U.

AMOABIRISILUM ENADAUSNOUS IGRASOMIAM OMBIADOPNEA UGNANE-OCMUL

A. E. I. O. U.

AVESUMY ENDIGMOUMO IGLASUMY OMNIPAM UGJAJE

Sa ibang mga kasulatan ay ganito naman ang nasasabi:

Ang malaking titik A, ang kahulugan ay AMA, at ang munting a, ang kahulugan ay ANAK;

Ang malaking B ay BAUTISMO, at ang munting b ay BUKAL sa dibdib ni Kristo;

Ang malaking C ay ang malaking CRUS na pinagpakuan kay Kristo, at ang munting c ay dili iba’t kundi CALBARYO;

Ang malaking D ay ang DIYOS, at ang munting d ay iniukol kay DAVID;

Ang malaking E ay ESPIRITO SANTO, at ang munting e ay si San ESTOLANO;

Ang malaking F ay ang FIRMAMENTO,at ang munting f ay si San FRANCISCO DE ASIS;

Ang malaking G ay ang GLORIA na kinaroroonan ng Santisima Trinidad, at ang munting g ay si San GERONIMO;

Ang malaking H kahuluga’y HUKOM na huhukom sa lahat, at ang munting h ay si San HIPOLITO;

Ang malaking I ay ang IMPIERNO, at ang munting I kahuluga’y IBUBULID;

Ang malaking J kahuluga’y JESUS at ang munting j ay JUAN EVANGHELISTA;

Ang malaking K kahuluga’y KRISTO, at ang munting k ay KIRUBUNES;

Ang malaking L ay langit , at ang munting l ay LUWALHATI;

Ang malaking M ay MESIAS, at ang munting m ay MUNDO;

Ang malaking N ay NAZARENO, at ang munting n ay NAUUHAW;

Ang malaking O ay OMNIPOTENTE, at ang munting o ay OBRE;

Ang malaking P ay PASCUA, at ang munting p ay si PILATO;

Ang malaking Q ay ang mag QUIRUBINES at ang munting q ay QUIRUBIN ma mag babantay sa Paraiso;

Ang malaking R ay REGNUM, at ang munting r ay RESURECSION;

Ang malaking S ay SALVATOR, at ang munting s ay SANTO o SANTA;

Ang T ay TATLO o TRINIDAD;

Ang U ay UNIVERSO;

Ang X ay KRUZ na hinila ni Kristo sa Emmaus;

Ang Y ay YANTOK na pinalo kay Jesus;

Ang titik na Z, ang kahulugan ay ZEZAR, at ang kanyang mga kaupon.

Sa ibang mga kasulatan ang mga nasasabing titik ay may malawak at matayog na kahulugan, na umaabot mula sa kailaliman ng lupa hanggang sa kaitaasan ng langit.