Sunday, August 16, 2009

Isang Pagpapatunay....





.........................................................Aug 15,araw ng sabado,napag kasunduan ng mga kasama na mag kitakita sa San Pablo Laguna sa bahay ng Ka Ultimo. Daling araw mga bandang alas tres eh akoy nag hahanda na ng aking sarili para sa pagbyehe sa nasabing kaganapan. Ang aking makakasabay patungo sa San Pablo eh ang kasamang bato balani na taga binagonan naman,napag usapan kasi namin na dito sa plaza ng morong kami magkikita tapos sabay na kaming magbyabyahe patungong tanay,andun kasi ang sakayan patungong Siniluan Laguna. Medyo nakapagkwentuhan pa kaming dalawa dun sa plaza kasi wala pang dumaraan na jeep. Nung kami naman ay nasakay na ng jeep patungong tanay eh may sumakay na tatlong babae at isang bakla na pawang galing sa night swimming. Magaganda ung babae lalo na ung isa,minsan ko lang tiningnan kasi syempre nakahihiya din at baka kung ano isipin nung tao,sinabi ko pati sa sarili ko na "tyak na sinusubok na naman ako sa pamamagitan nitong mga babae na ito" eh un nga nawaglit na sa isip ko ang kung ano anong kalokohan,,hehehe. Sa bandang tanay na bumaba yung isang babaeng maganda at kami naman ay nakarating na sa sakayan ng byaheng siniluan.Nakasakay na kami sa jeep ng Ka Bato balani at patuloy lang kami sa paghihintay ng iba pang pasahero, kulang isang oras din siguro ang pinaghintay namin dun bago umalis ang sinasakyan namin. Sa wakas napuno na din ng pasahero at nagsimula ng maglakbay ang sinasakyan namin. Napansin ko na panay panay ang tapak nung driver sa preno pero hindi tumitigil ung sasakyan. Naisip ko na baka wala pa lang kargang hangin ung HVAC nung preno kaya ganun kasi ok lang naman din sa driver. Nawaglit sa isipan ko na baka may deprensya ung sinasakyan namin. Dumaan muna ng gasolinahan yung jeep para mag karga ng kurudo muli kong napansin na panay na naman ang sayak nung driver sa preno,pinakiramdaman kong mabuti at tumitigil naman ung sasakyan. Nasa bandang Pillilia na kami ng may nakasalubong kaming jeep na mabilis din ang takbo at para yatang sumabit ung tagiliran ng sinasakyan namin kasi may lumagitik. Ayos lang naman dun sa driver kasi hindi nga tumigil at patuloy lang sa pagmamaneho.Nasa bandang taas na kami ng bundok ng akoy makaramdan ng antok,ang ginawa ko eh naikapit ko ang dalawa kong kamay sa istrido at naibayubay ko ang aking ulo para makaidlidp man lang. Ramdam ko na mabilis magpatakbo yung driver kasi humihirit ung makina ng sasakyan. Naimulat ko ang aking mata at pansin ko na natutulog din ung ibang mga pasahero. Sa gayong kalagayn eh naipikit ko ulit ang aking mata para umidlip ulit. Narating na namin ang taas ng bundok ng maayos at walang anu pa man, Nung kami ay papabulusok na sa isang baranggay ng mabitac pero nasa gawing taas pa ng bundok eh naramdaman ko na hindi na pangkaraniwan ung bilis ng sinasakyan namin. Eto na nga at nag salita na ung kalapit kong babae, aking naulinigan na nagsasabi yata na "dahan dahan lang po". Nang mapansin ko eh panay na ang tapak nung driver sa preno ngunit walang pagbagal na nagaganap. Nagsisigaw na ung kalapit ko at nagagalit na sa driver kasi may bata silang kasama mga limang taong gulang lang siguro ung dalawang bata. Sumagot ung driver ng "huwag kayong matakot", abay naiisip ko na pwede bang hindi matakot eh bangin ung maaaring baksakan nung jeep. Wala ang kaba sa dibdib ko nung panahong yaon, ang tanging nasa isip ko nuon at aking sinabi ko sa aking sarili na "Dyos ko po Kayo na po ang bahala sa amin". Hinawakan ko si Ka batobalani at nais kung ipabatid na maging handa sa anu mang susunod na pangyayari. Mahigpit ang hawak ng mga pasahero sa estribo ng sinasakyan namin at ako namat nakahawak din at ang aking mata ay nakatutok naman sa aming dinadaanan. Ang driver naman eh patuloy sa pagpipilit na maipasok ang kambyo ngunit ayaw talaga kasi ang bilis na talaga nung jeep. Muntik pang makabungguan yung isang nakasalubong naming nissan urban na kulay pula sa kadahilanan na ung sinasakyan namin eh kumakain na ng linya para lang makaliko sa mga masasagting na kurbada. May kurbadang kapag dineretso mo eh sa bangin ang bagsak at sa awa naman ng Dyos eh nalampasan namin. Natanawan ko eh paliko na alam kung hindi na kakayanin ng sasakyan kasi matindi na yung liko at mabilis pa yung jeep......Eto na yata ang katapusan namin....Sa sobrang bilis at pagpupumilit na lumiko eh tumagilid na yung jeep sa gawing kanan at gawi na aking kinauupuan, ramdam ko ang pagkiskis ng aking likod sa kalsada ng halos dalawang sigundo o higit pa. Hanggan sa mapiit na nung railing ung jeep at huminto na ng tuluyan. Dumagan sa amin ung mga nasa kabilang panig na mga pasahero,nadaganan ako ang aking binti ay naiipit nung upuan at pawang hindi ko maigalaw, "lagot nabali yata ang binti ko" ang sabi ko sa sarili ko. Tinatawag ko si Ka Batobalani nung panahon na yun upang malaman ko kung nasa maayos siyang kalagayan. Halos nakalabas ng lahat ang mga pasahero nung akoy makalabas. yung mga bata naman eh nailabas na din. Ang kaliwa kong braso ay panay dugo,humanap agad ako ng basahan na kakalat kalat sa kalsada upang punasan at aking natuklasan na hindi pala sa akin galing. Ang likod ko eh aking hinipo sa pag aakala kong may sugat at dumudugo eh pawang maliit nagalos lang aking natamurawan..Nagpasalamat ako sa taas at akoy kanilang iningatan at naiadya sa kapahamakan.
Ang Ka batobalani ay nagtamo ng maliit na sugat sa bandang ilalim na mata pero ayos lang kayang-kaya. Sa kabutihang palad eh may jeep na malapit dun sa pinangyarihan ng aksidente at naisakay agad ung may sugad at para madala agad sa hospital sa bandang pakil. Nakita ko yung isang lalaki na teenager pa lamang siguro un na malaki ang sugat sa ulo sa bandang kanan halos bumuka ung sugat ng isang pulgada at mga anim na pulgada siguro ung haba, litaw na ung bungo nung tao. pagdating sa hospital eh isa isa ng inasikaso ng mga tao duon yung mga sugatan, kami namang ayos lamang eh nagkwekwentuhan kung anong gnawa nung papataob na ung jeep. at tinulungan na rin namin ung iba para maintinde na sa hospital. May nagsabi na yung palang may tama sa ulo eh nakasabit lang kaya marahil ganun ang natamong sugat. Ang babae naman kalapit ni ka batobalani eh nagkasugat ng medyo malaki sa noo at kasalukuyang tinatahi na dun sa loob. Ang dalawang mag asawang matanda naman eh andun din,yung lalaki eh may maliit na sugat lang sa kanang kilaw at hindi naman kritikal at yung babaeng matanda naman eh nabugbog lang ang kalamnan. Naisip ko eh "baka may antingan din itong mag asawang ito."Ako naman eh may nakitang taga morong dun sa hospital at akoy tinanong kung bakit andun ako nailahad ko naman sa kanya ang nangyari. "Maige at wala kang sugat" ang sabi nya sa akin. Napangiti ako at sumagot na lang ng "syempre". at may halong pag ngiti. Natanawan ko ang mobil ng pulis na patungo sa dako ng lobby ng hospital at bumaba nga ung driver nung jeep at humihingi ng pasensya, nagsalita na sya daw ang gagastos sa lahat ng nasugatan na siya namang dapat gawin. malaki laki din tiyak ang magagastos nun sa dami ba naman ng sugatan eh. Tinanong ko yung kalapit kong babae kong may sugat eh wala naman daw, naikwento nya sa akin na sa akin daw saya kumapit nung tumagilid na ang jeep at ung bata naman nyan kasama eh hawak nya nang isang kamay. Pumasok sa isip ko na "maige at kumapit sa akin at nabiyayaan din ng proteksyon" salamat sa Panginoon ang aking sambit sa sarili. Nagpasya na kami ni Ka Batobalani na magpatuloy na sa paglalakbay patungong San Pablo ngunit pinipiit naman nung taong hospital kasi kailangan daw na maturukan ng anti-tetano eh ang liit naman nung sugat. Yung isang lalake naman eh may sugat din sa noo na kung wala syang sombrero eh malamang na hindi lang ganun ang magiging sugat nya. Nako nalimutan ko yung aking sombrero nalaglag nga pala dun sa jeep sayang naman pero ok na rin yun, pinaka kapalit na siguro yung sombrero ko. Nagtawag na ng panagalan yung nurse at binibigay ang mga reseta para makabili na ang may mga sugat. Yung driver naman eh kinukuha ang mga reseta para siya na ang bumili. Alas syete pasado na yata nung mga oras na yun. Pinilit na namin ni ka batobalani na makaalis. Tumunggo muna kami sa simbahan para magpasalamat at naikwento sa akin ni ka batobalani na dati raw eh nakapagtatambay sya dun sa lugar na yun. Pagkatapos naming makapagpasalamat eh nag patuloy na kaming maglakbay patungong San Pablo.

Tama nga ang sabi ng Ka Ultimo na huwag makalilimot magdasal sapagkat hindi mo alam kung kelan ka susubukin at kung sino ang makakalaban mo. Napakahalaga ng bawat pagdarasal natin pagkat mas lalo tayong napapalapit sa Maykapal. "Bagkos lumalalim ang iyong kaalaman,bumibigat din naman ang pagsubok mo." Papuri po sa Infinito Deus, sa Inang Birheng Makapangyarihan, sa Tatlong Personang maalam, sa Pitong Arkangheles na tagapagbantay at sa lahat ng nagkakatipon sa kaluwalhatian ng Dyos..."EXAUDIAT NOS OMNIPOTENS ET MISERICORS DOMINUS"