Tuesday, November 15, 2011

Para Hindi Pagtripan ng Adik at Siga kahit ang Mababangis na Hayop,Makukuha Sila sa Tingin

Bago usalin ang orasyon ay titigan ang hayop o tao na nagwawala sa pagitan ng kanyang dalawang mata na ang pagtitig ay dapat na matindi na hindi kakikitaan ng anu mang takot o pagkaduwag.
Ang dalawang pangunahing sangkap sa orasyong ituturo ko dito ay lakas ng kalooban at lakas sa pagtitig. Kinakailangan na malakas ang kalooban para gumana ang salita at kailangan naman ng lakas sa pag titig upang magkaroon ng kaganapan ang orasyon. Kailangan ng matinding pag titig at hindi kakakikitaan ng anumang takot, kayat kailangang pagsanayan ang dalawang tagubuling kong ito.
Ang mga wikang uusalin naman ay ang "ATRAN, INILILIROM, PERDISIOM". Ang pag-usal sa "ATRAN" ay dapat na may bwelo sa letrang "A" at biglang uusalin ang mga letrang "TRAN".
Ang mga letrang "INILILI" ay tuloy-tuloy at pagdating sa letrang "ROM" ay6 dapat may diin.
Matindi naman dapat ang pagsisimula sa pag-usal ng letrang "PER", at sa "DISI" ay dapat na madulas na madulas ang pag-usal. Ang letrang "OM" naman ay dapat na may diin din na ang lahat ng hangin sa mga baga ay palabasin.
Pagkatapos ay hihinga ng Paghingang Ganap na ang hanging papasok sa mga baga ay dapat na dumaan lamang sa mga butas ng ilong at saka pupunuin ang mga baga ng hangin hanggang sa makakaya.
Samantalang pinalalabas ang mga hangin mula sa lob ng mga baga ay uusalin naman ang "EL ELYON, EL ELYON, DEUS, DEUS, BULHOM".
Mabilis na bibigkasin ang dalawang "EL ELYON" at gayundin ang dalawang "DEUS", subalit ang "BULHOM" ay biglaan ang pag-usal na may bwelo sa "BUL" bilang paghahanda sa pagpapalabas ng lahat ng hangin sa mga baga kapag inusal na ang "HOM".
Kapag nagawang ayos at tama ang mga nasabing orasyon ay manghihina ang tao o hayop na nagwawala. Dahil sa lubhang mapanganib ang mga kaganapan sa panahong inuusal ang orasyon, muli kong ipinapayo na magsanay ng magsanay sa pag uusal at gayundin ang mga paraan na naaayon sa tamang pag hinga upang walang paltos na magkaroon ng kapangyarihan kapag ginamit na ang orasyon.
Dahil dito kinakailangan na ang lakas ng kaloban at kapangyarihan sa pagtitig,dapat na magkaroon din ng hustong tiwala sa sarili ang sinumang nais gumamit nito.
Mahigpit kong bilin sa inyo at paalala na "hindi dapat na kakitaan ng karuwagan o takot" ang taong may nais ng ganitong kaalaman...

No comments:

Post a Comment